November 01, 2018

Takot sa Takutan

Takutan ba 'kamo?


Ang mga tao nga naman
Hindi na maintindihan
Alam nang matatakot sila
Lalong magtatakutan pa

Manonood ng horror na palabas
Pero paos naman pag lumabas
Paos dahil sa sobrang gulat
Mga mata'y parang ayaw na imulat

Sikat din na tapatan sa telebsiyon
Mga nakakatakot na presentasyon
True to life expereinces daw
Ng white lady, aswang, at halimaw

Isa pang bagong gawain
Ang kwentuhan pagkagat ng dilim
Pero parang kalokohan lang naman
Hindi multo ang gustong patunayan

Dahil ang prowebang pinakita
Hindi multong nagpakita
3 AM challenge na pinagpyestahan
9:40 PM naman pala kinunan


Image result for 9:40 PM smartphone clock
Photo from androidpolice.com

Mas nakakatakot sa aswang at manananggal
Ang mga taong puro na lang atungal
Walang katuturan na argumento
Pinagaaksayahan pa ng minuto't komento

Wag maging manananggal
Sa sarili, o sa kapwa mong mahal
Pero hindi 'yung nakakalipad
Kundi 'yung manananggal ng dignidad


Image result for manananggal;
Filipino Mythological Creature "Manananggal" from filipinojournal.cm




No comments:

Post a Comment

MOVIE REVIEW: Bohemian Rhapsody

Is this real life? Is this just fantasy? Queen from mentalfloss.com Upon watching the very first trailer of this movie, I have be...