October 27, 2019

Aso't Swine, Fine?

Post from Facebook.com

Laman ng balita ngayon
Mga hayop sa 'di magandang kondisyon
May aso sa ilalim ng transportasyon
Mga baboy, 'di na pwede sa kahit anong okasyon

Post from Facebook.com

Sakit sa mga baboy ay lumutang na
Dahil doon, lumutang na rin sila
Kita ng mga magbababoy ay kulang na
Kailan kaya probema'y mawawala

Siguro nga dapat ay kanin na lang
Kanin na rin ang magiging ulam
Kanin sa almusal at tanghalian
Para maiba, sinangag naman sa hapunan

At para maiba ulit
Pwedeng kakanin ang ipalit
Puto, biko, o sumang-latik
Isama na rin ang kalamay na aking hilig

At dahil magpa-Pasko na
Bida na naman nga sila
Puto bumbong at bibingka
Para sa mga nagsisimba

Kumusta naman kaya ang magiging Pasko
Ng bida sa post na nag-viral sa face-ko, este Facebook
Ang bida ay hindi tao kundi aso
Laking perwisyo talaga sa aso ng ibang tao

Kaya tanong ka sa umpisa ay ASF
Marami kasing hindi gaano nag-iisip
Kumpara sa hayop, tayo ang mas may isip
O baka gusto nating maiba ang ihip?

Alagaan natin ang isa't isa
'Di dapat abusado kahit makikinabang ka
'Wag na manloko ng kapwa
'Wag ihalo sa tocino at hotdog kung may sakit na


News article from Inquirer.net

2 comments:

MOVIE REVIEW: Bohemian Rhapsody

Is this real life? Is this just fantasy? Queen from mentalfloss.com Upon watching the very first trailer of this movie, I have be...