Sa pagdaan ng panahon, dadating tayo sa punto na mapapa-isip na lang tayo bigla at maaalala ang mga bagay na nakasanayan natin noon.
Hindi malabong mangyari ito sa panahon ng social media. Siguradong maaalala mo ang mga kaibigan mo dati noong nasa high school pa lang kayo. Pwedeng malungkot ka sa nakita mo, pwedeng maging masaya. Ang maganda nito, hindi nila makikita anuman ang maging reaksyon mo, unless i-broadcast mo.
Wala namang masama sa pag-alala ng nakaraan. Walang masama sa pagbabalik-tanaw.
Sabi nila, sa high school ang pinakamagandang panahon sa scholastic career ng isang estudyante; dito siya mamumulat sa mga bagay na magdedesisyon ng kanyang future. Pero bukod doon, dito niya makikilala ang mga taong posibleng magiging sandalan at kasama niya kahit ano pa mang sitwasyon.
Hindi na mahalaga kung nakasama ito or nakabuti, lahat ay nagsisimulang mabuo habang nasa high school tayo. Dahil pare-pareho lang namang experiences ’yun. Ang mahalaga ay kung ano ang natutunan mo sa naging experience na ’yun.
Ito naman ang maganda sa panahon ngayon ng social media, isang click lang pwede mo nang balikan ang mga high school moments niyo, pare. Nariyan ang mga Christmas parties, Intrams, at ang siguradong "mas masaya pa sa bus" na field trips dahil sa mga kalokohan at tawanang nangyayari sa loob ng bus.
Pero lahat naman ’yan, nakaraan na. Masarap lang balikan, mapangiti habang inaalala. Hindi ba mas maganda kung hanggang ngayon ay bubuo pa rin kayo ng magagandang alaala kasama ang mga hindi nakalimot.
Pare, sana ay hindi nalilimitahan sa social media ang socialization mo.
I tried to read. Sounds funny :)
ReplyDeleteSorry, it's mostly written in Filipino!
Delete