This is a poem written in Filipino pertaining to the commuter trains being used in Manila, Philippines.
Ang tren na walang laman
O iyong puno ng taumbayan
Na siguradong ika'y pagpapawisan
Wala rin namang ibang mangyayari
Hindi ka makakapili
Kung ano ang tumapat sa sarili
Doon ka na mayayari
Kapag maluwag ang pasukan
Siguradong 'di ka mahihirapan
Pero kung masikip ang madatnan
Magiging madugo ang labanan
Ang maluwag na sasakyan
Minsa'y hindi naman tumitigil
Habang ang masikip naman
Ikaw na mismo ang magpipigil
'Di mo rin naman malalaman
Hindi mo mapaghahandaan
Pumila nang maayos at dahan-dahan
Kalma, swertehan lang sa pwesto 'yan!
No comments:
Post a Comment